^

Metro

Kotongerong barker, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang barker nang maaktuhan ito ng mga pulis na nangingikil sa isang pampasaherong bus, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakakulong sa Pasay City Police detention cell ang mga suspek na sina Dennis Dulaca, alyas Lupin,  36,  miyembro ng Batang City Jail (BCJ) at Ro­gelio Bojocan, alyas Junjun, 37,  miyembro naman ng ‘Sigue Sigue Sputnik Gang’, kapwa residente ng Block-8, Lot-3,  Saint Francis St., Maricaban ng naturang lungsod.

Ayon sa report na tinanggap ni Chief Inspector Ange­lito De Juan, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-6:50 sa panulukan  EDSA  Avenue at  Aurora Boulevard ng naturang lungsod.

Nabatid na sapilitan na nang­hihingi ng pera ang mga suspek sa isang  konduktor sa isang pampasaherong  bus.

Hindi umano nagbigay ang nasabing konduktor hanggang sa nagalit ang mga suspek.

Namataan naman nang  nag­papatrulyang mga pulis ang pagtatalo ng tatlo at  lumapit sa mga ito na kung saan nakum­piskahan ang mga suspect ng dalawang patalim.

Kaagad na dinakip ang mga suspek at dinala sa himpilan ng pulisya at sinampahan ang mga ito ng kasong illegal possession of deadly weapons at City Ordinance No. 2106 (ille­gal barker).

AURORA BOULEVARD

BATANG CITY JAIL

CHIEF INSPECTOR ANGE

CITY ORDINANCE NO

DE JUAN

DENNIS DULACA

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with