^

Metro

3 days truck ban sa NLEX , ipapatupad sa INC centennial

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong araw na ipapa­tupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang truck ban sa dalawang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX)  simula ngayong Sabado (July 26) hanggang Lunes (July  28) upang bigyang daan ang pagdiriwang ng ika-100 taon ng Iglesia Ni Cristo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon sa LTFRB,  apektado sa truck ban ang mga trucks for hire na dumadaan sa NLEX sa pagitan ng Balin­tawak toll gate at Angeles City, gayundin sa MacArthur Highway, Cagayan Valley Road mula sa Sta. Rita exit at sa lahat ng provincial roads sa Bulacan na gagamiting parking areas.

Hindi naman kasali sa ban ang mga truck na may kargang mga produktong nabubulok tulad ng mga isda, gulay at prutas na mula sa norte para dalhin sa Metro Manila at vice versa.

Una rito, pinaalalahanan ng pamunuan ng NLEX  ang mga motorista na makakaranas ng heavy traffic ngayong  weekend dahil sa dami ng mga sasakyan at mga miyembro ng INC na makikiisa sa centennial celebration.

ANGELES CITY

AYON

BULACAN

CAGAYAN VALLEY ROAD

IGLESIA NI CRISTO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PHILIPPINE ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with