^

Metro

Angkas todas, rider kritikal sa bus

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas  ang isang lala­king nakaangkas sa isang motorsiklo habang kritikal naman ang buhay ng rider  makaraang masagi ng isang pampasaherong bus habang binabagtas ang C3 Road sa Calo­ocan City kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa Caloocan City Medical Cen­ter ngunit nalagutan rin ng hininga ang 30-anyos na si Rogie Delaguna, habang inilipat naman sa East Avenue Medical Center si Rodelio Lendo, 17-anyos, kapwa ng Ta­nigue Street, ng naturang lungsod.

Sumuko naman ang driver ng bus na si Florentino Corpuz, Jr., 45, ng Cubao, Quezon City.  Nahaharap ito ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at frustrated homicide.

Sa inisyal na ulat, bina­bagtas nina Delaguna at Lendo ang kahabaan ng C3 Road patungo sa Dagat-dagatan, Caloocan nang masagi ng bus na minamaneho ni Corpuz pagsapit sa kanto ng B. Serrano Avenue.

Lumipad sa kalsada ang nakaangkas na si Delaguna at bumagsak sa kalsada habang nagawang makakapit sa manibela ng motor si Lendo.

Lumipas ang ilang minuto bago nasaklo­lohan ang dalawang biktima at naisugod sa paga­mutan.

vuukle comment

CALOOCAN CITY MEDICAL CEN

DELAGUNA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FLORENTINO CORPUZ

LENDO

QUEZON CITY

RODELIO LENDO

ROGIE DELAGUNA

SERRANO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with