^

Metro

Dyip umiwas sa ambulansiya nakadisgrasya: 3 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong katao kabilang ang isang 56-anyos na lola at isang mag-ina ang malubhang nasugatan makaraang  araruhin ng isang pampasaherong dyip  na nawalan ng kontrol dahil sa pagsulpot umano ng isang ambulansiya  sa Taft Avenue, Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Lucy dela Pena, residente ng Sta. Ana, Manila na nagtamo ng malaking sugat sa  mukha at galos sa katawan at ang mag-inang sina  Roselyn Agapito at ang special child na anak na itinago  sa  pangalang Nene, kapwa residente ng   Bayanan, Muntinlupa City. Ang tatlo ay pawang ginagamot ngayon sa PGH sanhi ng mga tinamong pinsala.

Tumakas naman ang driver ng pampasaherong dyip na biyaheng Blumentritt-Baclaran(NYD-675) na sumagasa sa mga biktima sa takot na makuyog ng taumbayan.

Sa ulat ni SPO1 Eli­zalde Obena ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-10:10 ng umaga­ habang mabilis na tinatahak ng suspect na driver ang kanyang sasakyan patungong Baclaran  nang bigla umanong sumulpot ang isang ambulansiya galing sa loob ng PGH.

Nabigla umano ang drayber kaya biglang nailiko ang dyip.

Nagawa pa umanong tapakan ang preno ng sasakyan subalit hindi umano gumana, ayon sa ilang saksi kung kaya niragasa nito ang tatlong biktima na noon ay tumatawid sa kalsada.

BACLARAN

BAYANAN

BLUMENTRITT-BACLARAN

ERMITA

MANILA POLICE DISTRICT-TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MUNTINLUPA CITY

ROSELYN AGAPITO

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with