^

Metro

Call center agent ginawang sex slave, technician arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines - Arestado ang isang 49-anyos na technician nang isuplong ng call center agent na ginawa umano nitong sex slave sa loob ng mahigit isang taon, nang makakuha ng pagkakataon ang huli  na ma­­ipadampot ito sa mga ta­uhan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakapiit na sa detention facility ng MPD-GAIS ang suspek na kinilalang si Arnold Rosal, residente ng  A. Lemery St., Singalong, Malate, Maynila kaugnay sa reklamong inihain laban sa kanya ng biktimang itinago sa pangalang Helen, 26, call center agent at  6 na buwang buntis, ng Batangas.

Nabatid na ang biktima ay tinatakot ng suspek at hindi sinasabi sa mga kaanak ng biktima kung nasaan sila na­mamalagi. Kapag uma­alis umano ang suspek ay ikinakandado sa loob ng kuwarto ang biktima at may pagkakataon na maaari lamang lumabas ang biktima kung pasasamahan ito upang hindi tumakas.

Dahil sa hindi na umano masikmura ng biktima ang ginagawa ng suspek, nagkunwaring dinudugo at nakunan ito sa kanyang ipinagbubuntis kaya sinamahan siya ng suspek na magtungo sa Medical Center Manila sa UN Avenue, sa Ermita, kung saan nagawa nitong makapuslit at magtungo sa kalapit na himpilan ng pulisya.

Galit ang biktima sa suspek dahil natuklasan niyang may-asawa na at maraming anak. Maging ang kanilang pagtatalik ay kinunan pa umano ng video ng suspek.

Inihahanda na ang kaso laban sa nadakip na suspect.

vuukle comment

ARESTADO

ARNOLD ROSAL

BATANGAS

ERMITA

LEMERY ST.

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MAYNILA

MEDICAL CENTER MANILA

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with