^

Metro

Pahinante na pumaslang sa ka-lugar, tugis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang pahinante na sumaksak at nakapatay sa isang lalaki sa isang lama­yan, kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Kasabay nito, pinasusuko na ng mga kaanak ng biktimang si Tomas Malicdem ang suspect na nakilalang si Juan Abilar, 50, para panagutan ang nagawang krimen.

Samantala, itinanggi naman ni Arnold, kapatid ng nasawi sa PSN, ang unang naglabasang ulat na sinaksak si Malicdem makaraang biruin ang suspek. 

Sinabi nito na kapwa nasa lamay sina Malicdem at Abilar noong madaling araw ng Martes at naglalaro ng pusoy.

Natalo umano si Abilar ngunit hindi nito tinanggap ang pagkatalo at pilit na binabawi ang perang kanyang naitaya.  Hindi naman pumayag si Malicdem kaya nagbanta ang suspek na babalikan ito.

Nang bumalik sa lamay, armado na ng itak ang suspek at pinagsasaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.

Sinabi ng kaanak na mabait na tao sa kanilang lugar ang biktima at marami na itong natulungan kaya masakit sa kanila ang pagkawala nito.

ABILAR

CALOOCAN CITY

JUAN ABILAR

KASABAY

MALICDEM

NANG

NATALO

SINABI

TOMAS MALICDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with