^

Metro

Robotic replica ni ‘Lolong’, ipinarada

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniikot sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ang 21-footer robotic replica ng world famous cro­codile na si ‘Lolong’, kahapon.

Ang naturang P80,000 replica  ay gawa sa fiber at rubber at nagagawang igalaw ang bibig at maging ang ulo ay umagaw ng atensyon  sa mga namamasyal sa Crocodile Park sa Pasay City. Nabatid, na sakay  ng trak at  halos tatlong araw na itong iniikot sa mga  kalye mula sa Davao City, Visayas at Luzon para maihatid sa Pasay City.

Nabatid  na pagdating pa lamang sa parke, dinumog na ito dahil sa sobrang laki at kahawig na kahawig  ng buwayang si ‘Lolong’.

Nakakagapang din ang naturang robotic na buwaya  dahil may gulong at sa loob nito ay may taong pumipidal. Tatlong buwan din itong binuo ng mga local artist ng Davao City na sina Juvy Bangut at Jessie Suerte at tinatayang nasa P80,000 ang ginastos  dito.

Layunin ng pagbuo sa naturang  robotic na buwaya  ay upang  maging alaala  ito kay ‘Lolong’ matapos itong masawi noong 2013.

Nabatid, na replica sana ang gagawin ng Crocodile Park pero hindi umano pumayag ang National Museum, dahil may sarili itong proyekto na ginagawa mula sa mismong balat ni Lolong. Kung kaya’t sinabi ni  Acquiatan na  ito ang dahilan kung bakit animal robotic na lamang ang kanilang ginawa, at binago ang size at pangalan para hindi magkaroon ng kalituhan.

Inikot din ang naturang robotic na buwaya  sa EDSA Avenue, Taft Ave. at Magallanes  area para ipakilala.

Subalit, nasita pa ng mga nagulat na taga-Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang trak nang makitang sakay ang naturang robotic na buwaya habang bumabagtas  sa EDSA Ave­nue  papunta ng Pasay City.

 

CROCODILE PARK

DAVAO CITY

JESSIE SUERTE

JUVY BANGUT

LOLONG

METRO MANILA

NABATID

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with