^

Metro

Lalaki grabe sa naka-maskara

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bigong makilala sa closed circuit television camera (CCTV) na nakakabit sa poste ang nag-iisang salarin  na nakamaskara  at bumaril sa isang lalaki, kama­kalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Nasa kritikal na kon­disyon sa loob ng Manila Central University Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Valmore Valdez, 38, residente ng Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-3:20 ng madaling araw nang makunan ng CCTV footage ang suspek na nakamaskara  sa may Intang St. sa Bagong Barrio.

Nang mapadaan sa kanyang harapan ang nag-iisang biktima ay agad itong pinaputukan ng suspek gamit ang hindi pa mabatid na ka­libre ng baril.  

Mabilis na tumakas ang salarin makaraan ang krimen habang sinaklolohan naman ang biktima ng mga tanod na siyang nagdala sa kanya sa pagamutan.

Blangko naman ang mga otoridad sa motibo ng naturang pamamaril ngunit may teorya ang pulisya na maaaring panghoholdap o iligal na droga ang ugat nito.

vuukle comment

BAGONG BARRIO

BIGONG

BLANGKO

CALOOCAN CITY

INTANG ST.

MABILIS

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

QUEZON CITY

VALMORE VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with