^

Metro

Kelot sinalvage, inilagay sa balikbayan box

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na may mga saksak sa kata­wang at bakas ng pananakal sa leeg saka isinilid sa isang balikbayan box ang natagpuan sa lungsod Quezon, ka­makalawa ng gabi. Ang kahon ay natagpuan ng mga nagpapatrul­yang ba­rangay tanod matapos itapon sa Brgy. Sto. Domingo, ganap na alas-10 ng gabi.

Inilarawan ang biktima na may  taas na 5’3”, nasa pa­gitan ng 40 hanggang 45-anyos, ma­haba na kulot ang buhok, nakasuot ng puting­ sando at checkered na shorts. May tattoo din itong dragon sa kaliwang balikat at pangalang “Cholo Villarin” sa likod.

Ayon kay SPO1 Joselito Gagaza, imbestigador, ang kahon ay itinapon sa may panulukan ng Tirad Pass at Biak na Bato Streets. Bukod sa tinamong mga sugat, iginapos din ang kamay at paa nito.

 

vuukle comment

AYON

BATO STREETS

BIAK

BRGY

BUKOD

CHOLO VILLARIN

JOSELITO GAGAZA

SHY

TIRAD PASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with