Rookie cop tumba sa tandem
MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang nasawi, habang isa pang kasamahan nito ang sugatan, makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem malapit sa kanilang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa.
Si PO1 Khrissan Abbey Nad, 29, binata, at nakataÂlaga sa Quezon City Police District Station 3, ay binawian ng buhay, ganap na alas-10:05 ng umaga habang inoobserbahan sa isang ospital, ayon kay PO3 Edwin dela Cruz, desk officer ng PS3.
Sugatan naman ang kasamahan nito na nakilalang si John Alfred Alipio, 21, na patuloy na nakaratay sa ospital bunga ng isang tama ng bala sa likuran.
Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos ang nasabing pamamaril.
Nangyari ang krimen, ganap na alas-6:30 kamaÂkalawa ng gabi malapit sa bahay ng mga biktima na matatagpuan sa Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro sa lungsod.
Sa imbestigasyon ni PO3 Harry Budomo, kadaraÂting lamang umano ng mga biktima sakay ng isang motorsiklo sa kanilang bahay at pababa na ng kanilang saÂsakyan nang biglang sumulpot mula sa kanilang likuran ang mga suspek.
Mula rito, walang kaabug-abog na pinaputukan ng suspek na back rider ang mga biktima at saka nagsipagtakas. Mabilis namang sinaklolohan ang mga biktima ng mga residente at isinugod sila sa Quezon City General Hospital, para magamot.
Subalit, makalipas ang halos 18 oras na pakikipag-laban sa tinamong tama ng bala sa bunbunan ay nalaÂgutan din ng hininga si Nad.
Narekober sa lugar ang dalawang slug at tatlong basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Ang kaso ay hawak na ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police para sa masusing imbestigasyon.
- Latest