^

Metro

Magpipinsan niratrat ng 63-anyos na kapitbahay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang tatlong magpipinsan nang pagbabarilin ng isang lolo na ka­nilang kapitbahay hinggil, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ginagamot ngayon sa San Juan de Dios Hospital ang biktima na si Uldarico Badigue,  karpintero; Virgilio  Bandigue, 21, at si Renato Daloc, 23.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Miguel Bisnar Sr., 63,  miyembro ng Lupon ng Barangay 165 Zone 18 at kapitbahay ng mga biktima.

Base sa  report na natang­gap  ni Chief Inspector Angelito de Juan,  hepe ng Station In­ves­ti­gation and Detective Ma­nagement Section ng Pasay City Police, naganap ang in­si­dente alas-11:40 ng gabi sa harapan ng bahay ng mga biktima  sa S. de Guzman St., ng naturang lungsod.

Kasalukuyan umanong nagpapagawa ng extension ng kanilang bahay ang mga biktima nang mapansin ng suspek na natatakpan ang kanilang bintana kaya’t kanyang sinita ang tatlo.

Sa ginawang pagsita ng suspek ay hindi ito nagustuhan ng mga biktima  hanggang sa magtalo ang mga ito.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay biglang pumasok sa loob ng bahay ang suspek at kinuha ang kanyang baril at saka pinagbabaril ang  magpi­pinsan.

Bumulagta ang mga biktima dahilan upang dalhin ang mga ito ng kanilang mga ka­anak sa naturang pa­gamutan habang ang suspek naman ay mabilis na tumakas.

vuukle comment

CHIEF INSPECTOR ANGELITO

DETECTIVE MA

DIOS HOSPITAL

GUZMAN ST.

MIGUEL BISNAR SR.

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with