^

Metro

Rambulan sa gasolinahan: 1 patay, 1 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi, habang sugatan naman ang isa pang security guard makaraan ang mainitang komprontasyon hinggil sa 500 peso bill na ipinapapalit ng una sa isang gas station sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa ulat ni PO2 Erick Isidro, nakilala ang nasawi na si Sonny Bellamas, 42, ng Brgy. Nagkaisang Nayon. Sugatan naman ang sekyu na si Servillano Salomeo, 34.

Itinuring namang mga suspek sa in­sidente sina Nilo Guzon, 23, security guard at isang Romeo Bellamas, 36, binata, na kapatid ng nasawi.

Nabatid na si Guzon ang sinasabing bumaril kay Sonny habang si Bellamas naman ang umano’y nakasaksak kay Salomeo nang maganap ang gulo. Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may Quirino Highway, corner P. Rivera St., Brgy. Baesa, ganap na alas-2:45 ng hapon.

Bago ito, ang magkapatid na Bellamas ay nagpunta sa Petron Gas Station para magpapalit ng kanilang P500. Pero sa gas station ay nagkatalo sila ng cashier na si Rebecca­ Calos, dahil hindi naman ibinibigay ng magkapatid ang pera na ipinapalit ng mga ito.

Habang nagtatalo ay nakialam ang asawang­ gasoline boy ng kahera dahilan para mauwi ito sa komosyon.

Nakita naman ito ng security guard na si Salomeo na nagbabantay sa isang banko at rumesponde  pero dinamba siya ng mag­kapatid at nakipagpambuno sa kanyang service firearm, hanggang sa masaksak si Salomeo ni Sonny sa likuran.

Dito na rumesponde si Guzon na armado ng kanyang 12 gauge shotgun na service firearm at binaril si Sonny na tinamaan sa dibdib at nasawi.

Samantala, tinangka pang tumakas ni Romeo, pero agad din siyang nahabol ng mga operatiba ng Police Station 3 at inaresto kasama si Guzon.

BELLAMAS

BRGY

ERICK ISIDRO

GUZON

NAGKAISANG NAYON

NILO GUZON

PETRON GAS STATION

POLICE STATION

SALOMEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with