^

Metro

Raffy Tulfo nagpiyansa, kasong libelo paborito niya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagpiyansa kaagad ang komentaristang si Raffy Tulfo matapos maglabas ng arrest warrant ang korte laban sa kanilang magkapatid na si Erwin para sa kasong libelo.

Nagbayad si Raffy ng P6,000 sa Quezon City Regional Trial Court kahit hindi pa inihahatid sa kanya ang arrest warrant na inilabas ni Judge Eleuterio Bathan ng Branch 92.

Samantala, hindi pa nagpa-piyansa si Erwin.

Kaugnay na balita: Tulfo brothers pinaaaresto

Isang pulis na kinilalang si Senior Police Officer 3 Abubakhar Manlangit ang nagreklamo sa magkapatid matapos tawaging “magnanakaw” sa programang “T3” sa TV5 noong Nobyembre 19, 2011.

"Nagulat siya (Manlangit) na tinawag ko siyang magnanakaw, e totoo naman. Galit siguro sa Tulfo 'yung piskal kaya biglang lumabas ang warrant," wika ni Raffy sa dzMM.

Inamin ni Raffy na nagulat siya sa paglabas ng arrest warrant.

Aniya ito na ang ika-38 kasong libelo na isinampa laban sa kanya.

"Paborito ko itong mga ganitong kaso dahil kahit nakapikit, kaya ko itong labanan."

ABUBAKHAR MANLANGIT

ANIYA

ERWIN

GALIT

JUDGE ELEUTERIO BATHAN

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RAFFY

RAFFY TULFO

SENIOR POLICE OFFICER

TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with