^

Metro

Kelot itinumba sa Malabon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang lalaki­ ang pinagbabaril at na­patay ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa lungsod ng Malabon, kahapon ng umaga.

Agad na nasawi dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo at ka­tawan ang biktimang nakilalang si Ronald Rod­riguez, 35, ng Sanciangco St., ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, mag-isang naglalakad uma­no sa may Gov. Pascual Street sa naturang ba­rangay ang biktima dakong alas-2:55 ng madaling-araw nang dikitan ng mga suspek at kumprontahin. 

Dito pumailanlang ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa kaswal na magpulasan ang mga suspek.

Narekober sa lugar ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 malapit sa bangkay ng biktima. 

Inaalam pa ngayon ng pulisya ang motibo ng krimen na posibleng may ki­nalaman sa mga sindikato ng krimen na naglulungga sa naturang lugar.

 

vuukle comment

DITO

INAALAM

ISA

MALABON

NAREKOBER

PASCUAL STREET

RONALD ROD

SANCIANGCO ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with