Scholarship sa mga private universities, colleges hiling
MANILA, Philippines - Limang slot ng scholarÂship sa bawat private universities at colleges na nasa lungsod ng Maynila.
Ito naman ang nakaÂsaad sa resolution na inihain ni Manila 4th District Councilor Don Juan Bagatsing na pumasa sa unang pagbasa sa City Council noong Hunyo 17.
Ayon kay Bagatsing, laÂyon ng kanyang resolusyon na hikayatin ang mga private universities at colleges na tulungan ang lungsod ng Maynila sa pagbibigay ng scholarship sa mga maÂÂtaÂÂtalinong estudyante subalit walang kakayaÂhang makapag-aral sa mga maÂmahaling unibersidad.
Tinaguriang University Belt, sa lungsod matatagpuan ang magaganda at magagaling na kolehiyo.
Aniya, maraming mataÂtalinong taga Maynila ang kapos na makapag-aral sa kolehiyo kaya’t ito na ang pagkakataon ng mga private universities na suportahan ang mga kuwalipikadong esÂtudÂyante na nagtapos sa public high school sa lungsod.
- Latest