3 TF pinaigting vs krimen sa Maynila
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila Police District (MPD) na unti- unti nang mareresolba ang iba’t ibang krimen sa tourist belt at kahabaan ng Roxas Blvd. sa mas lalo pang pinaiigting na tatlong task force ni MPD Director Chief Supt.Rolando Asuncion.
Ang paniniyak ay ginawa naman ni MPD-Station 5 chief, Supt. Rolando Macapas kasunod ng pagÂpapalabas ng direktiba at pagpapakalat sa kanyang mga tauhan sa Roxas Blvd., tourist belt at baywalk.
Sa deployment ng mga pulis, mas mahihirapan ang mga criminal na magsagawa ng illegal operation.
Ayon kay Macapas, sinisimulan na nilang linisin mula sa mga palaboy at vendor ang tourist belt. Aniya, ‘eyesore’ ang mga ito na dapat na disiplinahin at linisin.
Nabatid kay Macapas na pinaiigting din nila ang kanilang intelligence network upang matukoy kung sino ang nga responsible sa pambibiktima ng mga turista.
Makikipag-ugnayan din sila sa mga hotel administration upang gawing mandatory ang mga pagkuha sa mga plate number ng mga taxi na sinasakyan ng kanilang mga occupants bilang seguridad sa panloloko o anumang uri ng modus operandi ng mga tax driver.
Aniya, kadalasan din aniyang ang mga taxi driÂver ang nambibiktima sa mga turista lalo na’t unang pagkakataon ng turista na magtungo sa Pilipinas.
Matatandaang sinabi ni Asuncion na kailangan na malinis at maayos ang Maynila partikular ang tourist belt mula sa iba’t ibang krimen dahil isa ito sa mga panghihikayat sa mga turista na makatutulong naman sa ekonomiya ng bansa.
- Latest