^

Metro

7- man team binuo sa kaso ng pinaslang na Pinoy car race champ

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumuo na ng seven-man team ang Quezon City Police District (QCPD) para pangunahan ang pagsisiyasat sa pana­nambang sa racing champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor noong nakaraang linggo sa Quezon City.

Ang special investigation task group ay binuo matapos ang pag-atake kay  Pastor, 32, nitong nakaraang June 13 sa may intersection ng Congressional at Visayas Avenues.

Pamumunuan ang grupo ni deputy district director for operations Senior Supt. Procopio Lipana, para siyasatin ang pana­nambang sa biktima, ayon sa isang pahinang utos na nilagdaan ni district director Chief Supt. Richard Albano.

Magsisilbing deputy chief task group si Supt. Ariel Capucao, commander ng Talipapa police station na may hurisdiksyon sa krimen. Dagdag ni Taqueban, nasa proseso na ang grupo ng pagsala sa mga posibleng motibo ng pananambang, pero tumangging magbigay ng anumang detalye.

Magugunitang si Pastor ay magdadala sana ng kanyang race car sakay ng isang truck patungo sa race track sa Clark, Pampanga noong gabi ng June 13 nang pagbabarilin mula sa driver’s side ng truck. Nakahinto sa stop light ang sinasakyan ni Pastor sa may panulukan ng Congressional at Visayas Avenues nang siya ay atakihin ng armadong suspek.

ARIEL CAPUCAO

BUMUO

CHIEF SUPT

PROCOPIO LIPANA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHARD ALBANO

SENIOR SUPT

VISAYAS AVENUES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with