^

Metro

Libong kababaihan, nakinabang sa libreng gamutan ni VM Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libong mga kababaihan sa Quezon City ang na­kinabang sa isinagawang medical assistance ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa ilalim ng Joy of Public Service program ng tanggapan.

Partikular na nabiyayaan ng naturang proyekto ang mga kababaihang residente mula District 1 hanggang District 5 sa lungsod sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials, QC Ge­neral Hospital at Philippine Cancer Society.

Ang libong mga benepisyaryo ng proyekto ay nabigyan ng libreng pap smear at breast exam  na una nang hiniling ng mga barangay officials kay Belmonte na maisailalim ang mga constituents sa naturang programa para matiyak na ligtas sa anumang mga sakit ng mga kababaihan tulad ng bukol sa matres, cyst sa matres at dibdib at iba pa.

Binigyang-diin ni Belmonte na ang proyektong ito ay patuloy na ipagkakaloob sa mga kababaihan sa lungsod para matiyak ang magandang kalusugan ng mga nabanggit.

 

BELMONTE

BINIGYANG

JOY OF PUBLIC SERVICE

LIBONG

PARTIKULAR

PHILIPPINE CANCER SOCIETY

QUEZON CITY

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with