^

Metro

‘Batang Hamog’ sa Maynila mandurukot

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ngayon ng Manila Police District (MPD) ang  publiko laban sa paglipana ng mga ‘Batang  Hamog’  partikular sa Malate, Maynila.

Ang babala ay bunsod na rin ng  reklamo  ni Yeonkyung Jin, 27, ng no. 1202 Grand Emerald Tower Condominium, Ortigas Center, Pasig City sa MPD-General Assignment Section (GAS).

Ayon sa pulisya, nagpapanggap na mga nagtitinda ng  bu­laklak at nagpapalimos ang mga batang palaboy na pinaniniwalaang pinakikilos ng sindikato.

Sa salaysay ng Korean national, naglaho ang kaniyang wallet na nalalaman ng $500, P2,000 at cellphone matapos siyang palibutan ng tinatayang 12 batang kalye, na ang ilan ay nag-aalok ng sampaguita at rosas, habang ang karamihan ay nanghihingi umano ng pera, dakong alas-2:00 ng madaling araw ng Sabado, sa Adriatico st., Malate.

Ani PO3 Jayjay Jacob, nangyari ang pandurukukot habang naghihintay ng taxi ang mga biktima nang lumabas ng bar.

Nagsasagawa naman ng operasyon ang mga operatiba ng MPD-GAS para hanapin ang mga batang mandurukot na pinaniniwalaang may nasa likod na nagmamando sa istilo ng pandurukot.

ADRIATICO

AYON

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

GRAND EMERALD TOWER CONDOMINIUM

JAYJAY JACOB

MANILA POLICE DISTRICT

ORTIGAS CENTER

PASIG CITY

YEONKYUNG JIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with