Investment scam queen, timbog ng NBI
MANILA, Philippines - Natimbog ng mga opeÂratiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa na namang investment scam queen na nasa likod ng dalawang kompanya na gamit sa pambibiktima ng mga investors sa lalawigan ng Batangas at Cagayan de Oro City.
Kinilala ni NBI Director Virgilio Mendez ang suspek na si Anna Fatima Pedernal ng Agripoint Enterprises at umano’y nasa likod ng P1-billion investment scam.
Nakatakas naman ang mister nitong si Vince PeÂdernal na nasa likod din ng nasabing scam.
Ang dalawa ay kapwa subject sa ipinalabas na warrant of arrest ng Laguna court sa kasong syndicated estafa.
Si Anna Fatima ay naÂdakip sa Baguio City ng mga ahente ng NBI-Anti OrgaÂnized Crime Division kamaÂkailan.
Modus umano ng mag-asawa ay kumbinsihin ang mga target na investor na malaki ang kikitain na aabot hanggang 10 porsyento kung maglalagak ng investment sa kanilang kompanyang Agripoint, dahil ito ang pinakamalaking importer ng plastic resin mula sa China.
Pinatikim lamang ng paÂunang interes ang mga nalokong investor at hindi na nasundan pa kung saan nadiskubreng wala namang naideliber na produkto sa kompanya.
Nabatid na ang mag-asawa rin ang nasa likod umano ng 8 Pines EnterÂprises, isa rin umanong investment scam, na bumikÂtima naman sa mga residente sa Cagayan de Oro City.
Kinumpirma ng NBI na tulad ng mga investment scam na kinasasangkutan nina Manuel Amalilio at Coco Rasuman ang aktibidades ng mag-asawa.
- Latest