Van salpok sa footbridge:2 pahinante patay
MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang delivery van sa footbridge ng MMDA sa Edsa-Quezon AveÂnue sa lungsod, sa araw ng tinaguriang Friday the 13th, kahapon.
Sa ulat ni SPO4 Raymundo Layug, hepe ng Quezon City Police Traffic Sector 1, nakilala ang nasawi na sina Bener Bagungol, 30, ng Brgy. Sacred Heart at isang Jess Jurios; kapwa pahinante.
Sugatan naman ang driÂver ng van na si Eduardo PaÂbonita, 34, ng Brgy. Pinyahan sa lungsod.
Ayon kay PO2 Jordan Junio, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Edsa Southbound Lane, corner Quezon Avenue Brgy. Phil-Am, ganap na alas-4 ng maÂdaling-araw.
Sinasabing minamaneho ni Pabonita ang L-300 van (THB-406) sakay ang dalawang pahinante, at pa-u-turn sa Quezon Avenue, galing ng Balintawak, patungo sa España, Manila nang bigÂlang sumalpok ito sa footbridge ng MMDA.
Sa lakas ng salpok, nawasak ang unahang bahagi ng van, dahilan para maipit ang mga biktima at agad na nasawi.
Samantala, tumagal ng ilang oras bago tuluyang naÂtanggal sa pagkakaipit sa driver’s seat si Pabonita, saka isinugod sa East AveÂnue Medical Center para maÂÂlapatan ng lunas.
Gayunman, kakaharapin pa rin ng driver ang kasong reckless imprudence resulting in double homicide with phyÂsical injuries and damage to property.
- Latest