Professor, natagpuang naaagnas
MANILA, Philippines - Dahil sa mabahong amoy, nadiskubre ang naaagnas ng bangkay ng isang professor sa loob ng kuwarto nito sa Caloocan City kamakalawa.
Nakilala ang biktima na si Renato Resserrection, 60, professor ng University of Caloocan City at residente ng Tulingan St. ng naturang lungsod.
Base sa ulat ng Caloocan City Police, alas-5:30 ng hapon nang makaamoy ng mabaho ang katabing kuwarto ng tinutuluyang apartment ng biktima sa naturang lugar.
Hinanap ang pinanggagalingan ng mabahong amoy hanggang sa matuklasan na nagmumula ito sa kuwarto ng biktima, subalit walang sumasagot na naging dahilan upang ihingi ng tulong sa mga tanod.
Dito na napilitan ang mga awtoridad na sapilitang binuksan ang pinto hanggang sa tumambad ang naaagnas na bangkay ng professor habang nakaupo sa sofa.
Inaalam naman ng mga awtoridad kung ano ang ikinamatay ng biktima.
- Latest