^

Metro

MTPB hindi patitinag sa galit ng mga tricycle driver

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Traffic and  Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica na hindi sila patitinag sa pananakot at pagbabanta ng mga tricycle driver kasabay ng ka­nilang  pagpapatupad­ ng  color coding scheme  dito.

Kamakalawa ay binato si Logica ng  bote ng softdrinks ng hindi pa nakikilalang suspek habang nanghuhuli sa  Jose Abad Santos sa Tondo Manila.

Ayon kay Logica, inaasahan naman nila na marami ang maga­galit sa kanilang ipina­tutupad na bagong re­gulasyon dahil nasanay na ang mga ito sa ma­ling sistema.

“Wala naman ka­ming magagawa kundi sundin ang batas at regulasyon”, ani Logica­.

Sa ngayon, uma­abot sa 70 kolorum na tricycle ang naka-impound sa Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO).

Matatandaang umapela si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa mga driver at operators ng tricycle na dumaan lamang sa 46 na kal­sada, isailalim sa color coding at iparehistro ang kanilang mga tricycle para  ma­ging legal.

Batay sa ordinansa  ang district 1 ay blue; district 2, white; district 3, emerald green;  district 4 - orange;  District 5, yellow at district 6, red. Kulay gray naman sa private tricycles.

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

JOSE ABAD SANTOS

LOGICA

MANILA TRAFFIC

MANILA TRICYCLE REGULATORY OFFICE

PARKING BUREAU

SHY

TONDO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with