^

Metro

MASA nag-Adopt-A-Student

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng  pagsisimula ng  klase, inilunsad ng Manila  Action  and Special Assignment (MASA) ang  adopt a student na naglalayong  suportahan sa maliit na  pamamaraan ang  dalawa hanggang tatlong estudyante na pursigidong  matapos ng pag-aaral.

Sa panayam kay Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng  MASA, ang kanyang bagong proyekto ay maliit lamang  kumpara sa ilang  grupo na  may daan-daang scholars.

Aniya, simula pa  lamang ito ngayong pasukan kung saan sasagutin niya ang  gastusin bawat estudyante subalit may kapalit na kondisyon.

Kabilang na rito ang hindi paggamit ng cellphone ng   estudyante maliban na lamang kung  Sabado at Linggo; ka­ilangan na  mamentine ng estudyante ang kanyang  grado; walang barkada at bawal ang anumang  gimik.

Ayon kay  Irinco,  nakahanap na sila ng mga estudyante na  kuwalipikado kung kaya’t hindi dapat na sayangin ng mga ito ang pagkakataon.

Paliwanag ni  Irinco, personal na adbokasiya   niya ito dahil  siya mismo ay dumanas ng  hirap  sa pag-aaral.

Aniya, maraming mga estudyante ang nais na mag-aral subalit dahil sa kahirapan ay humihinto na lamang sa pag-aaral.

Paliwanag ni  Irinco, kailangan lamang ng kanilang scholar na  mag-aral ng mabuti  para  na rin sa kanilang  kinabukasan.

“Hindi lamang krimen ang aming sosolusyunan pati  pag-aaral ng mga  estudyante”, dagdag pa ni Irinco.

 

ANIYA

AYON

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

ESTUDYANTE

IRINCO

PALIWANAG

SPECIAL ASSIGNMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with