^

Metro

Kelot minaso sa ulo, patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang 42-anyos na lalaki na agad na namatay makaraang hatawin ng maso sa ulo ng isa umanong kasamahan nito sa construction sa Quezon City, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay PO3 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso, si Raul Evangelista, may-asawa, time keeper sa isang construction site ay naabutan na lamang duguan at wala ng buhay ng kanyang mga kasamahan sa loob ng kanyang barracks.

Ang pinaniniwalaang suspek na nakilalang si Jhon Rey Ignacio, 20, ng Block 35, Lot 11, Phase 2, Towerville, Binayon Proper, San Jose Del Monte Bulacan ay pinaghahanap ngayon ng otoridad.

Sa imbestigasyon ni Hernandez, natuklasang walang buhay ng kanyang tatlong kasamahan  ang biktima sa loob ng kanyang barracks na matatagpuan sa #63 Ipo St., corner CDC St., Brgy. N.S. Amoranto, La Loma Libis, ganap na alas 5:45 ng umaga.

Bago ang insidente,  sinabi ng kasamahang si Jovito Barbarino  na huli niyang nakitang buhay ang biktima alas 7 ng gabi habang nag-iinuman.

Tumagal hanggang alas- 10 ng gabi ang inuman, kung saan nagpaalam siya sa biktima at suspek na magpupunta sa malapit na bakery.

Pagsapit ni Barbarino sa bakery ay naabutan naman nito ang ibang kasamahan na nag-iinuman kung kaya nakiharap pa siya rito.

Makalipas ang ilang minuto, dumating umano ang suspek at biktima sa bakery at sumama rin sa inuman. Nang makaubos sila ng ilang bote ng beer ay nagpa-alam na ang dalawa na babalik sa barracks para matulog dahil may pasok kinabukasan.

Hanggang kinabukasan ay nadatnan na lang ang biktima na bangkay habang ang suspek ay wala na rin sa lugar. Hindi na rin umano nagpakita pa sa construction site ang suspek.

Ayon pa kay Hernandez, ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima ay isang maso na ipinalo sa ulo nito.Natagpuan din sa lugar ang nasabing maso. Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad  upang malaman ang motibo ng pamamaslang.

 

AYON

BINAYON PROPER

HERNANDEZ

IPO ST.

JHON REY IGNACIO

JOGENE HERNANDEZ

JOVITO BARBARINO

LA LOMA LIBIS

QUEZON CITY

RAUL EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with