Gay bar ni-raid ng NBI
MANILA, Philippines - Umaabot sa 20 kalalakihan kabilang ang 11 macho dancers ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang salakayin ang notoryus na gay bar sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ni NBI-Anti Human Trafficking Division (AHTD) chief, Atty. Dante Bonoan, isiÂnailalim sa surveillance ang MaÂtikas Entertainment Bar sa panulukan ng Roosevelt at Quezon Avenue sa Quezon City matapos makakuha ng impormasyon na nagsaÂsayaw ng hubo’t hubad ang mga macho dancer sa harap ng mga kababaihang customer nito.
Maliban sa mga kalalakihan, sinagip din ng NBI at mga kinatawan ng Quezon City Department of Social Welfare ang limang kabataan na nagkakaedad ng 10, 14, 11, na isa ay babae.
Gayon pa man, walang partisipasyon sa bar ang mga menor-de-edad na binitbit lamang sila ng mga magulang nila na nagtatrabaho sa nasabing bar dahil walang mag-aalaga.
Isa umanong paglabag sa Child Abuse Law ang ginawa ng ina na ilantad sa murang isipan ng mga bata ang malalaswang palabas ng bar.
Hinahanda naman ng awtoridad ang ikakaso laban sa may-ari ng bar dahil sa paglabag nito sa Anti-Human Trafficking Act.
- Latest