^

Metro

Kinalasan ng nobya uminom ng silver cleaner

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi matanggap ng isang bagets na kalasan ng kanyang nobya kaya nagpasalubong kay kamatayan matapos itong uminom ng silver cleaner sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO3 Marlon dela Vega, ang biktima na si Jeus Angelo Palad ng #195 Selecta Drive sa Barangay Pag-ibig sa Nayon sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO3 Dela Vega, bandang alas-4:30 ng madaling-araw kahapon nang huling namataang buhay ang biktima na nakaupo sa labas ng bahay ng nobyang si Alexandria sa Samson Compound, Selecta Drive sa nabanggit na barangay.

Nabatid din na dalawang linggo na ang nakalipas ay sinasabing nakipaghiwalay sa biktima ang kanyang syota dahil sa tutol ang mga magulang sa kanilang relasyon.

Gayon pa man, bandang alas-5 ng umaga nang ma­tagpuan ng isang residente ang biktima na nakahandusay sa nasabing lugar.

Narekober sa tabi ng bangkay ng biktima ang maliit na plastic container na pinaniniwalaang naglalaman ng silver cleaner kung saan wala namang iniwang suicide note.

vuukle comment

AYON

BARANGAY PAG

DELA VEGA

GAYON

JEUS ANGELO PALAD

KINILALA

MARLON

QUEZON CITY

SAMSON COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with