^

Metro

Vhong binato ng sunglass sa QC Hall of Justice

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagmistulang circus ang QC Pro­secutor’s Office makaraang batuhin ng sunglass at takip ng bote ng rape victim ang actor na si Vhong Navarro bago pa magsumite ng mga kaukulang papales kahapon.

Si Navarro  ay nagtungo kahapon sa  QC Prosecutor’s Office kasama ng kanyang mga bodyguards  para magsumite ng rejoinder na may kinalaman sa kanyang ikatlong rape case.

Makaraan ang batuhan, duma­ting din ang lola ni Deniece Cornejo na si Florenciana Cornejo kung saan nagsisigaw kasama ang iba pa laban sa actor.

Sinabi ni Roxanne Cabanero sa media na nagtungo siya sa korte para harapin si Navarro at suportahan ang iba pang biktima umano ng actor ng rape. Hindi naman pinansin ni Navarro ang mga pambabato at paninigaw sa kanya kung saan tumuloy lamang ito sa ikaapat na palapag ng QC Hall of Justice na kinaroroonan ng Pro­secutor’s Office.

Samantala, isa namang nagnga­ngalang Nonong Co na sinasabing consultant sa QC Prosecutor’s Office at tiyuhin ni Cornejo ay nagpasaring sa isa sa mga abogado ni  Navarro nang sitahin siya kung bakit may dalang placard si Co na may nakasulat na “Justice for the rape victims. Jail the serial rapist.’’

Binigyang diin naman ni Co na karapatan niya ang kanyang ginagawa.

Tikom naman ang bibig ni Navarro nang tanungin ng media hinggil sa nilalaman ng kanyang isinumiteng rejoinder sa korte.

Dahil sa naisumiteng  rejoinder, ang reklamong ikatlong rape laban kay Navarro ay  submitted na for resolution  kay  Assistant City Prosecutor Nilda Ordono para magdetermina kung ang nasabing reklamo ay dapat maiakyat sa korte.

 

vuukle comment

ASSISTANT CITY PROSECUTOR NILDA ORDONO

DENIECE CORNEJO

FLORENCIANA CORNEJO

HALL OF JUSTICE

NAVARRO

NONONG CO

ROXANNE CABANERO

SI NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with