3 opisyal ng MPD sinibak
MANILA, Philippines - Matapos na mabigong masawata ang iba’t ibang pasugal sa kanilang nasasakupan, tatlong opisyal ng Manila Police District (MPD) ang sinibak sa puwesto ngayong araw.
Sa kautusan ni Manila Police District Director P/Chief Supt. Rolando Asuncion, kabilang sa mga tinanggal sa tungkulin ay sina P/Supt. Julius Anonuevo ng MPD Station 1 at P/Supt. Rolando Opriasa ng MPD Station 10.
Papalitan ni P/Supt Virgilio Villoria si Anonuevo habang si Opriasa naman ay papalitan ni P/Supt. Luis Francisco.
Kasama rin sa sinibak si P/InsÂpector Edward Samonte ng Smokey Mountain PCP.
Nilinaw ni Asuncion na ang pagkatanggal sa puwesto ng mga nasabing police officer ay bunsod nang naganap na paglabag sa kampanya laban sa illegal gambling o ang one strike policy na pinaiiral ng pulisya.
Magkakabisa ang kautusan ngayong araw (May 28, 2014).
- Latest