^

Metro

Pintor inutas ng kabaro

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 39-anyos na pintor matapos saksakin ng kanyang kabarong pintor sa itinatayong condominium sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Renato “Nato” Lomagdong, binata ng Brgy. Payapa, Lemery, Batangas.

Sa ulat ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubreng patay ang biktima dakong alas-5:40 ng umaga  sa ikaapat na palapag ng condominium sa Ma. Cristina St. sa nasabing lugar.

Nabatid na nakipag-inu­man ang biktima sa mga cons­truction worker na sina alyas William at Jerry Lo­veno kung saan inabot na ng madaling-araw.

Naunang matulog si Noveno habang si William at ang biktima ay magkasama pa sa silid na pinipinturahan. Ayon sa ilang kasamahan ng biktima, may narinig silang ungol bandang alas-12 ng madaling-araw na hindi naman pinagtuunan ng pansin. Nang ma­gising si Loveno ng madaling-araw ay napuna niya na may tama ng saksak at duguan ang biktima na nakadapa habang si William ay hindi matagpuan.

Batay sa footage ng closed circuit television camera ng barangay,  pasado alas-12 ng madaling-araw nang nakitang lumabas ng ginagawang gusali si William kung saan nag­lalakad at may pinapagpag sa kanyang katawan.

Pagsapit sa kanto ay na­mataang ipinahid ang mga kamay ni William sa pader na nakasuot ng maong pants at t-shirt na puti.

 

vuukle comment

AYON

BATANGAS

BATAY

BRGY

CRISTINA ST.

DENNIS TURLA

JERRY LO

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with