Kawani ng MMDA, sinuspinde
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng limang araw ang isang kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos itong maaktuhang lumabag sa batas-trapiko sa Barangay Bagong Ilog, Pasig City noong Martes ng hapon. Ipinag-utos ni MMDA Chairman Francis Tolentino na suspendihin at isyuhan ng traffic citation ticket ang kanilang kawani na si Rogelio Añonuevo, Jr., driver ng MMDA Flood Control Unit. Nabatid na si Añonuevo Jr. ay nasakote matapos itong mag-U-turn sa intersection sa bahagi ng Julio Vargas AveÂnue habang minamaneho ang MMDA truck noong Mayo 20 ng hapon. Gayon pa man, nakarating sa tanggapan ng MMDA ang naganap na insidente kaya pinatawan ng kaukulang parusa si Añonuevo upang hindi pamarisan ng kanilang kawani.
- Latest