^

Metro

Utak sa pyramiding scam, tiklo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng isang negosyante na sinasabing utak ng pyramiding scam matapos arestuhin ng Quezon City Police District base sa reklamo ng kanyang mga biktima, ayon sa ulat kahapon.

Base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Ag­ripino Bravo ng Metropolitan Trial Court Branch 37 sa kasong estafa na may petsang April 25, 2014, ina­resto ang akusadong si Ronald Granada sa bisinidad ng Scout Torillo Street sa Quezon City.

Ayon kay P/Supt. Limuel­ Obon, hepe ng PNP Station 10, may inirekomendang P56, 000 piyansa sa aku­sado para sa kanyang pan­samantalang paglaya.

Nag-ugat ang kaso laban kay Granada makaraang  magsampa ng kaukulang kaso ang walong biktima na pinangakuan ng suspek ng malaking halaga ng komisyon sa sanda­ling mag-invest ng P2,600 sa kanyang kumpanyang Ami­llionare sa panulukan ng #33 T. Gener Street at K2 Street sa Kamuning.

Nahikayat ang mga biktima na mag-invest ng ma­laking halaga subalit wala silang natatanggap na porsiyento simula noon hanggang sa tuluyang magsara ang nasabing kompanya.

Dahil dito, nagpasya ang mga biktima na maghain ng reklamong syndicated estafa sa himpilan ng NBI at CIDG sa Camp Crame kung saan ipinalabas ang warrant of arrest.

Bukod kay Granada, may apat pang kasamahan nito ang ipinagharap ng reklamo ng mga biktima kung saan inaresto si Granada habang nagsasagawa ng orientation sa mga bagong recruit. Hindi naman nagbigay ng kanyang panig ang suspek hang­gang sa kasalukuyan.

 

vuukle comment

CAMP CRAME

GENER STREET

JUDGE AG

METROPOLITAN TRIAL COURT BRANCH

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RONALD GRANADA

SCOUT TORILLO STREET

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with