^

Metro

Tricycle driver niratrat ng tandem

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang pinagbabaril ng riding in-tandem sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Bio Goma, 52, may-asawa ng 223 San Pascual St.,Brgy. Commonwealth, QC.

Si Goma ay nasawi noon din dahil sa tinamong maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa ulat ni PO2 Alvin Quisumbing ng Quezon City Police District Cri­minal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente sa harap ng General Dental Clinic sa Villongco St., Brgy. Commonwealth dakong 10:40 ng gabi. 

Sinabi ng witness na si Randy Perez sa pulisya na kasalukuyan siyang nakatayo sa naturang lugar nang biglang dumating ang suspek na armado ng baril saka pinagbabaril ang walang kalaban-laban na biktima. 

Tumakas ang suspek sakay ng isang nag-aantay na motorsiklo. 

Nakuha mula sa pi­nangyarihan ng insi­dente ang 3 basyo ng kalibre .45 na baril na ginamit sa biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para madakip ang suspek.

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

BIO GOMA

BRGY

GENERAL DENTAL CLINIC

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT CRI

RANDY PEREZ

SAN PASCUAL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with