^

Metro

May bayad na kasi Pasig River Ferry biglang ‘nilangaw’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Biglang kumonti at naging matumal ang sumakay sa Pasig River Ferry sa unang araw ng paniningil ng pamasahe dito,kahapon.

Nabatid na mahigit dalawang linggong dinagsa ng mga mananakayang Pasig River Ferry boatdahil libre ang sakay na pinatupad dito ng MMDA. Bukod pa ang ibinigay na libreng kape at pandesal.

Kahapon,pormal nang sinimulan ang paniningil sa pasahe kung saan biglang naging matumal ang sumasakay.

Ayon sa ulat, namamahalan umano ang mga pasahero sa itinakdang pasahe.

Napag-alamanna mula Pinagbuhatan, Pasig Station patungong Guadalupe, Makati Station aylima lamang umanong pasahero ang sumakay.



Maging aniya ang kapitan ng ferry boat aynapansin din ang matumal na pagsakay ng mga mananakay kumpara nitong nakalipas na linggo kung saan libre pa ang pamasahe.



Kung noong wala pang bayad,alas-6:00 pa lang ng umaga mahaba na ang pila ng mga gustong sumakay at kadalasang hindi naisasakay ang lahat ng nakapila sa unang biyahe.



Posibleng isa sa dahilan nang hindi pagtangkilik ng ferry ay dahil mahal ang pamasahe nito dahilikinagulatng ilang pasahero na umabot sa P30 hanggang P50 ang singil sa pagsakay sa ferry.



Ayon sa ilang mananakay,mas pipiliin na lamang nilang sumakay sa jeep kung saan anila sila makakamura at suhestyon pa ng mga ito sa MMDAibaba o ibalik sa dating P30 ang pamasahe sa mga ferry na bumibiyahe sa Pasig River.

Nabatid na noong Huwebes ay naglabas ng fare matrix ang Department of Transportation and Communication (DOTC) na siyang pamasaheng sinusunod ng MMDA.

Hanggang sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng MMDA hinggil sa negatibong feedback sa kanilang Pasig River Ferry Boat System.

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

FERRY

MAKATI STATION

NABATID

PASIG RIVER

PASIG RIVER FERRY

PASIG RIVER FERRY BOAT SYSTEM

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with