Bonus ng MMDA employees, aprubado na
MANILA, Philippines - Inaprubahan kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang pagpapalabas ng halagang mahigit sa P34 million para sa magiging bonuses ng may 3,000 kawani ng ahensiya.
Nabatid na ang 3,000 kawani ng MMDA, permanent o kaswal man ay makakatanggap ng kanilang inaasam-asam na mid-year bonus.
Nakapaloob ang kanilang mga bonuses base sa kanilang basic pay at kasama dito ang P5,000 na tinatanggap ng mga kawani ng gobyerno kada taon na nagmumula sa katusan ng Malacanang.
Nabatid na posibleng ngayong buwan ay matatanggap na ng MMDA employees ang kanilang mid-year bonus at ang kalahati naman ay matatanggap nila sa Nobyembre 15 ng taong kasalukuyan.
Ito ay makakatulong ng malaki sa mga empleyado sa pagpapa-enrol sa kanilang mga anak sa nalalapit na pasukan.
- Latest