^

Metro

Mag-asawa patay sa ambush

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mag-asawa ang nasawi matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek habang sakay ang mga una ng motorsiklo papasok sa kanilang trabaho sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay PO3 Marlon Dela Vega, kinilala ang nasawing mag-asawa na sina Neil  Sanogal, 43, at Rosela Sanogal, 44, accountant, ng San Labrador Compound Himlayan Road Brgy. Pasong Tamo, Quezon­ City.

Ayon kay Dela Vega, bukod sa mag-asawa isang Josa Rey Dela Cruz, 11, estudyante, ang nasugatan din matapos tamaan ng ligaw na bala.

Sa imbestigasyon, nang­yari ang insidente sa entrance ng Gate 1 San Labrador Compound, Himlayan Road ng na­sabing barangay, dakong alas-6:30 ng umaga.

Bago ito, umalis ng kanilang bahay ang mag-asawa at pupunta sana ng Antipolo City sakay ng kanilang motorsiklo para ihatid sa trabaho si Rosela nang pagsapit sa naturang lugar ay biglang hinarang sila ng isang kulay puting Toyota Tamaraw FX na walang plaka.

Mula rito, biglang pinagbabaril ng tatlong suspek ang mag-asawa at nang bumuwal ang mga ito sa kalye­ ay saka humarurot ang sasakyan ng mga suspek patungong Visayas Avenue Extension.

Hindi kalayuan sa mag-asawa ay tinamaan ng ligaw na bala sa bandang likuran si Dela Cruz na naroon sa lugar upang bumili sana ng pagkain para sa almusal.

Dead on the spot sa lugar ang mag-asawa sanhi ng mga tama ng bala sa kanilang mga katawan. Habang dinala naman si Dela Cruz sa Quezon City General Hospital, para magamot.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) narekober sa lugar ang 15 basyo ng bala ng kalibre 45, anim na basyo ng bala ng kalibre 30.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ASAWA

AYON

DELA CRUZ

DELA VEGA

HIMLAYAN ROAD

JOSA REY DELA CRUZ

MAG

MARLON DELA VEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with