^

Metro

3 bebot tinodas

Ricky Tulipat at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong babae ang naiulat na patay sa magkakahi­walay na insidente sa Quezon City at Maynila kahapon.

Ayon sa ulat ng Quezon Ctiy Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, alas-11 ng umaga nang mapaulat ang pamamaril sa isang Aurora Ramos, 47 ng Adarna Extension, Purok 12, Brgy. Commonwealth.

Sabi ni PO2 Headry Tingle ng Police Station 6, base sa inisyal na impormasyon, bumibili  ang biktima sa tindahan nang binaril sa Adarna St., Riverside.

Matapos ang pamamaril ay naglakad na parang walang nangyari ang suspek papalayo, at iniwang duguang naka­­handusay sa semento ang biktima.

Alas-12:30 naman ng hapon nang maganap ang pa­ma­maril sa isang Jennifer Barriedo, 35, ng hindi nakikila­lang salarin sa may Novaliches.

Ayon kay PO3 Fernando Tanghay, naglalakad umano ang biktima sa kahabaan ng Florentina, Brgy. Gulod nang lapitan ito ng armadong suspek at barilin sa ulo.

Dead on the spot sa lugar ang biktima, habang mabilis namang tumakas ang suspek.

Alas-4 naman ng madaling-araw nang matagpuan ang isang babae na hinihinalang itinapon lamang matapos patayin sa harapan ng isang supermarket sa Road 10, Vitas,Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan sa ulat ni PO3 Dennis Turla, ng Manila Po­lice District-Homicide Section, ang biktima  na nasa edad na 30-35, may taas na 5’2-5’4, nakasuot ng kulay itim na sando at puting short pants.

Hinihinalang pinatay umano sa ibang lugar at itinapon doon ang biktima na may nakitang saksak sa leeg. Ito’y dahil walang nakakakilala sa nasabing biktima na residente ng lugar.

Wala namang ibang sugat sa katawan ang biktima maliban sa mga saksak na nakita sa leeg nito.

Dinala ang bangkay sa Nathan Funeral para sa awtop­siya at safekeeping.

Nanawagan naman si Homicide Section chief, Insp. Steve Casimiro sa publiko na sinumang nawawalan ng kaanak na tugma sa nasabing deskripsiyon ay maki­pag-ugnayan sa kanilang tanggapan para makatulong sa isinasagawang imbestigasyon.

 

ADARNA EXTENSION

ADARNA ST.

AURORA RAMOS

AYON

BIKTIMA

BRGY

DENNIS TURLA

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with