^

Metro

Libreng sakay sa Pasig River Ferry System, pinalawig

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang linggo ang libreng sakay sa Pasig River Ferry­ System.

 Nabatid na dapat kahapon araw ng Biyernes matatapos ang libreng sakay sa Pasig River Ferry Boat System, gayunman nagpasya ang MMDA na palawigin pa ito  hanggang sa susunod na linggo.

Napag-alaman na bukod sa libreng sakay, magpapa­tuloy din ang pamamahagi ng libreng kape at pandesal sa mga mananakay. Maaaring makasakay sa ferry ang mga commuter sa limang istasyon kabilang dito ang Pinagbuhatan Station sa Pasig City, Guadalupe Station sa Makati City, Santa Mesa Station, Escolta Station at Intra­muros Station sa Maynila.



Sakaling maging epektibo na ang pagpapataw ng pasahe sa mga mananakay, nasa P25 hanggang P50 ang bayad sa bawat biyahe.

ESCOLTA STATION

GUADALUPE STATION

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASIG CITY

PASIG RIVER FERRY

PASIG RIVER FERRY BOAT SYSTEM

PINAGBUHATAN STATION

SANTA MESA STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with