^

Metro

Cyber sextortion gang nalansag: 58 arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalansag ng pinagsanib na elemento ng International Police (Interpol) at Philippine National Police (PNP) ang no­toryus na cyber sextortion syn­dicates na nambibiktima sa internet sa iba’t-ibang panig ng mundo sa isinagawang serye ng operasyon sa bansa, ayon sa mga opisyal kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Director General Alan Puri­sima na 58 suspek ang ka­nilang naaresto sa operasyon sa Metro Manila at iba pang mga siyudad.

Idinagdag pa nito na  ang mga suspek ay nasakote sa isinagawang ‘Oplan Strike Back’ matapos na matukoy ng mga imbestigador ng Interpol, US Homeland Security Department at iba pang dayuhang operatiba ng pulisya ang online chats mula sa mga computer ng mga biktima na nagmumula sa Pilipinas.

Ang mga suspek, ayon sa mga opisyal ang hinihinalang nasa likod ng pagpapatiwakal ng isang teenager na si Daniel Perry, isang Scottish matapos itong ma-blackmail ng sindikato na ipakakalat ang hubo’t hubad na video sa internet.

“Daniel Perry was a young boy who engaged in web chat and little did he know that webchat will be recorded and threats made to broadcast it worldwide. This ultimately led him to taking his own life. Investigation is very supportive of the global investigation that has taken place”, ayon naman kay Gary Cunningham ng Scot­land Police.

Nabatid na ang modus operandi ng mga suspek ay ang alukin ng cybersex sa pama­magitan ng paggamit ng mga guwapo at magagandang babae ang mga potensyal na bikti­mang banyaga na lingid sa ka­­alaman ay ini­re­rekord ang video ng hubo’t-hubad at ma­la­laswa nitong posisyon.

Ginagamit umano ng sin­di­­kato mula sa Pilipinas ang mga hubo’t-hubad na video ng kani­lang mga binibiktimang banyaga sa pamba-blackmail na ipakakalat sa internet kapag hindi nagba­yad ng multang $500  hanggang $2,000.

Sinabi naman ni PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) Chief P/Sr. Supt. Gilbert Sosa, ang mga suspek ay nasakote mula nitong Abril 30 hanggang kamakalawa sa serye ng operasyon sa Bicol Region, Laguna, Bulacan, Ta­guig City na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng nasa 250 piraso ng electronic device na gamit ng mga ito sa illegal na aktibidades.

Kabilang pa sa multinational dragnet Oplan Strike Back ay mga operatiba mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission at Department of Justice, kinatawan mula sa Scotland Yard, Hong Kong at Singapore Police, US Homeland Security Investigation, Child Exploitation Online Protection at ng Australian Fe­deral Police.

Ang operasyon ay isinagawa matapos namang ma­alarma ang INTERPOL sa tumataas na bilang ng mga biktima ng sex­tortion sa internet mula sa Hong Kong, Indonesia, Sin­gapore, Pilipinas, United Kingdom, United States kung saan karamihan sa mga biktima ay mula sa Australia, Korea at Malaysia.

Kabilang naman sa mga nasakote sa Taguig City at Laguna ay sina Vincent Regori Bravo, Archie Tolin alias “Gian,” at Jomar Palacio alyas “Park Ji Man,” na nasangkot sa pambibiktima ng mga dayuhan mula sa United Kingdom.

Samantalang mayorya na­man sa mga nasakote ay mula sa Bicol Region na ayon kay Sosa ay isang organisadong grupo na ang front ay ang MoneyMaker Portal Web Solutions” sa Naga City, Mo­neymagnet Portal Web Solutions sa Lib­manan, Money Builder Web Marketing Solutions sa Nabua, at Mocha Bytes Web Solutions sa Legazpi City.

BICOL REGION

DANIEL PERRY

HONG KONG

MULA

OPLAN STRIKE BACK

PILIPINAS

PORTAL WEB SOLUTIONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with