^

Metro

Vendor itinumba ng tandem

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bangkay na nang iwan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang isang vendor matapos nila itong pagbabarilin habang naka­upo sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang biktima  na si Rodolfo Dollente, alyas Ompong, 43,  ng Basa St., Brgy. Paltok, San Francisco Del Monte, sa lungsod.

Sa ulat ni PO2 Louie Serbito, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente malapit sa bahay ng biktima, dakong alas- 7:20 ng gabi.

Ayon kay Gimena Dollente, asawa ng biktima, nakikipag-kwentuhan siya sa kanilang kapitbahay nang marinig niya ang mga putok ng baril malapit sa kanilang bahay.

Nang kanyang lingunin ay nakita niya ang dalawang hindi nakikilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo na nagmamadaling umalis sa lugar, habang ang kanyang asawa naman ay nakaupo sa bangketa at duguan.

Agad itong isinugod sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober sa lugar ang pitong basyo ng bala ng kalibre .45 na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente upang mabatid ang motibo ng nasabing krimen. (Ricky T. Tulipat with Ella Mae Nuyles at Vanessa May Linsangan -trainees)

vuukle comment

AYON

BASA ST.

ELLA MAE NUYLES

GIMENA DOLLENTE

LOUIE SERBITO

RICKY T

RODOLFO DOLLENTE

SAN FRANCISCO DEL MONTE

VANESSA MAY LINSANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with