^

Metro

Bebot tumilapon sa motorsiklo, lasog sa bus

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang babae makaraang masagasaan ng isang pampasaherong bus nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo kasama ang isa pang rider sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Insp. Marlon Meman, hepe ng Quezon City Police Traffic Sector 2, nakilala ang nasawi na si Marife Espartero, 34,  ng Brgy.  Waling Waling St., Area C, Camarin Caloocan City.

Sugatan din ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Mary Joy Soccoro, 21, na ginagamot ngayon sa East Avenue Me­dical Center. Nasa kustodiya naman ng Traffic Sector 2 ang driver ng Mayami bus (UVP-853) na si Felipe Estrada, 40, ng Pangasinan makaraang sumuko sa nasabing himpilan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ferdinand Paglinawan, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Belfast, harap ng Mary The Queen, Brgy. Pasong Putik, ganap  na alas-12:15 ng madaling-araw. Diumano, sakay ng Motorstar motorcycle ang mga biktima na minamaneho ni Soccoro at tinatahak ang lugar galing sa direksyon ng Quirino highway nang bigla itong sumemplang

Sinasabing sa pagsemplang ng motorsiklo ay tumilapon ang angkas na si Espartero sa kalye na dito naman ito nasagasaan ng paparating na bus na minamaneho ng suspect kaya nasagasaan ito. Katwiran ni Soccoro, may iniwasan umano silang isang bus kung kaya napagilid sila at sumeplang sa kalye. Gayun­man, pawang walang suot na helmet ang dalawa nang mang­yari ang insidente. Dead-on-the-spot sa lugar si Espartero matapos na magtamo ng labis na pinsala sa kanyang ulo at katawan. Kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries ang kinakaharap ngayon ni  Estrada.

vuukle comment

AREA C

BRGY

CAMARIN CALOOCAN CITY

EAST AVENUE ME

ESPARTERO

FELIPE ESTRADA

FERDINAND PAGLINAWAN

MARIFE ESPARTERO

MARLON MEMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with