50K reward vs killer ni Major Santiago
MANILA, Philippines - Magbibigay ng 50,000 reward ang pulisya sa sino mang makakapagturo at makakapagbigay ng impormasyon sa mga suspek na sangkot sa pagpatay kay Chief Inspector Elmer Santiago noong Miyerkulas Santo (April 16).
Ayon kay Senior Supt. Wilson Caubat, Special Investigation Task Force ng Eastern Police District, posibleng mapabilis ang pagdakip sa mga salarin dahil sa kanilang ino-offer na pabuya. Sa ngayon, ani Caubat ay maingat sila sa kanilang ginagawang imbestigasyon at lahat ng posibleng dahilan ng pagpatay kay Santiago ay kanilang sinusuri para malutas ang krimen.
Kasabay nito, hiniling ni Dante Jimenez ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) at Jonathan Morales ng Anti-Drug Advocate, sa administrasyong Aquino, na resolbahin ang kaso at tuldukan ang illegal drug trade at cybersex den operations kung saan kasangkot ang mga pulis, military at maging sa PDEA personnel.
“Nakakatakot na po ang sitwasyon hindi mo na alam ngayon kung sino pa ang puwede mong pagkatiwalaan,†ayon kay Jimenez. Naunang hiniling ng pamilya Santiago na magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil naiulat na kabilang sa diagram ng napaslang na ipinadala kay Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima ay mga opisyal ng PNP kasama na rito ang ilang kaklase o mistah ni Santiago sa PNPA Batch 1996 na dawit sa illegal trade link.
- Latest