^

Metro

2 naghagis ng granada sa police station, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinampot ng mga tauhan ng pulisya ang dalawang lalaki na pinaghihinalaang naghagis ng granada sa himpilan ng pulisya kamakalawa ng hapon  sa Tondo, Maynila.

Sa isinagawang follow-up operation nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Alfredo Roy Elgarico, alyas “Pikit”, 21, ng Malaya St., Balut, Tondo na nahulihan umano ng kalibre 45 baril at 6 na pirasong plastic sachet ng shabu at Jay-Ar Castolome, 31, na nahulihan din ng kalibre 38 baril at 12 pirasong plastic sachet na hinihinalang shabu.

Batay sa impormasyon ng Manila Police District (MPD), ang dalawang suspek ang pinaniniwalaang naghagis ng granada sa harapan ng MPD-station (Raxabago) dakong alas-3:45 ng hapon kamakalawa na dito nawasak at nasunog ang sasakyan ng station commander na si P/Supt. Julius Añonuevo, na Toyota Vios (ZFN-447) na kulay gray at nadamay din  ang isang nakaparadang motorsiklo sa tapat ng mismo ng himpilan.

“Nag-apoy na kaagad kaya tumawag na lang kami agad ng bumbero para ma­apula ang apoy at huwag nang madamay masunog yong presinto,” ani PO3 Angelo  Punzalan, desk officer.

Isinasailalim pa sa masusing beripikasyon ang da­lawa hinggil sa mga iligal na aktibidades nito dahil sa nakalap din ng mga awtoridad na impormasyon na kasamahan nito ang isang kila­lang tulak umano ng iligal na droga na alyas Brix na nakapiit pa sa New Bilibid Prison (NBP).

Isang kulay pink na motorsiklo din ang pinipigil ng MPD na sinasabing ginamit na get-away vehicle ng dalawa matapos ang paghahagis ng granada.

Narekober sa mga ito ang kulay pink na motorsiklo, na ginamit na get away car ng mga suspek.

Hindi man detalyado, si­nabi ni MPD Director C/Supt. Rolando Asuncion na positibo ang dalawa na may kagagawan kaya agad silang tinugis at natagpuan sa pinaglulung­gaan sa Balut, Tondo, Maynila.

vuukle comment

ALFREDO ROY ELGARICO

DIRECTOR C

JAY-AR CASTOLOME

JULIUS A

MALAYA ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NEW BILIBID PRISON

ROLANDO ASUNCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with