^

Metro

Dahil sa babae Pulis utas sa kapwa pulis

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang bagitong pulis matapos barilin ng kanyang kabaro makaraang magtalo dahil lamang sa isang babae kahapon sa Las Piñas City.

Dead on arrival sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si P01 Jhon Michael Dimalanta, 26, binata at nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion, National Capital Regional Police Office (NCRPO) sanhi ng tinamong  ilang tama ng bala ng kalibre .9mm na baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nakakulong naman sa Las Piñas City Police detention cell ang suspek na si P01 Rafael Espina, 26, nakatalaga din sa naturang departamento.

Ayon sa imbestigasyon ni P02 Christian Yanga, ng Station Investigation Di­­vision (SID) ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente ala-1:30 ng hapon sa  harapan ng Mama Cita Store sa   Apollo V Extension, Moonwalk Village, Brgy. Talon 5 ng naturang lungsod.

Nabatid  na kasama ng nasawi ang testigong si Rowelo Dimalanta at pinun­tahan ang isang nagnga­ngalang Mary Rose Aguilar, isang teacher at may-ari ng naturang tindahan.

Nagkataon namang na­abutan ng biktima ang suspek na si P01 Espina doon at  nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sa kainitan nang pagtatalo binunot ni P01 Espina ang kanyang kalibre .9mm na baril at agad na pinagbabaril si P01 Dimalanta.

Nabatid pa sa imbes­ti­gasyon ng Las Piñas City Police, selos ang pangunahing motibo na kanilang tinitingnan sa ngayon, dahil dating nobya ni P01 Dimalanta si Aguilar at ang nobyo naman ng babae sa kasalukuyan ay si P01 Espina.

Matapos ang pamamaril ay dali-daling isinugod ang biktima sa naturang pagamutan, subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Agad din namang na­aresto ng Las Piñas City police ang suspect ding pulis.

 

vuukle comment

APOLLO V EXTENSION

CHRISTIAN YANGA

CITY POLICE

DIMALANTA

ESPINA

LAS PI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with