^

Metro

Aprub sa konseho P10,000 allowance ng MPD police handa na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anumang oras mula nga­yon ay matatanggap na ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang P10,000 allowance na mula kay Mayor Joseph Estrada.

Ito’y matapos na ipasa ng  konseho ng Maynila ang Reso­lution No.130 na nagbibigay ng awtoridad kay Estrada na gamitin ang kanyang Special Activities Fund sa ilalim ng  Non-Office Expenditures (Statutory and Contractual Obligations).

Nabatid na hiniling ni  Secretary to the Mayor Atty. Edward Serapio   sa pamamagitan ng  isang  sulat kay Presiding Officer at Vice Mayor Isko Moreno ang adoption ng resolution hinggil sa paggamit ng  special  activities fund  ni Estrada para sa allowance ng  mga pulis Maynila.

Sa desisyon ng konseho ng Maynila, agad na ipinasa ang resolusyon kung saan maaaring maglabas ng  P29,580,000 si Estrada  mula sa kanyang  special activity fund  na para naman sa  financial assistance o allowance ng mga pulis.

Ang P10,000 ay quarterly  matatanggap ng  mga pulis.

Paliwanag naman ni   Majority Floor Leader at 2nd District Councilor Marlon Lacson,  idinadaan ni  Estrada ang lahat ng  gagastusin sa konseho upang maiwasan ang anumang  pagkuwestiyon  lalo na ng  Commission on Audit (COA).

Aniya, nagiging maingat lamang si Estrada sa mga inilalabas na pondo at sinunod lamang nito ang tamang proseso kung saan ang  lahat ng  expenses ay kailangan na  may resolution.

Naniniwala naman si Moreno na makakapagpataas ng  moral ng  mga pulis  ang   P10,000  allowance dahil indikasyon lamang ito na  priyoridad din ni Estrada ang  kanilang kapakanan.

Dapat lamang na suklian ng mga pulis ng  totoong serbisyo ang mga Manilenyo at dedikasyon sa trabaho ang  mga ginagawa ni Estrada upang maibalik ang tiwala ng publiko.

Ayon  naman kay MPD Director­ Chief  Supt.  Ro­lando Asuncion, malaking tulong sa pulis ang  P2,500 kada buwan  kung kaya’t malaki ang kanyang pasa­salamat kay Estrada at sa konseho ng  Maynila.

 

DISTRICT COUNCILOR MARLON LACSON

EDWARD SERAPIO

ESTRADA

MAJORITY FLOOR LEADER

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MAYOR ATTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with