Pulis utas, misis sugatan sa tandem
MANILA, Philippines - Patay ang isang opisyal ng pulisya habang sugatan naman ang misis nito matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang lulan ng kanilang kotse sa Mandaluyong City, kahapon ng umaga.
Nakilala ang nasawi na Chief Inspector Elmer Santiago, residente ng Pasig City, habang ang misis nito na si Agnes ay ginaÂgamot ngayon sa Polymedic Medical Center.
Nabatid na si Santiago ay kasalukuyang nasa ‘floating status’ sa Central Luzon Police Regional PerÂsonnel Holding and Administrative Unit at daÂting nakatalaga bilang intelligence officer ng Bataan Provincial Police.
Batay sa ulat ni PO2 Jay Segui, ng Mandaluyong City Police, naganap ang krimen dakong alas-10:30 ng umaga habang ang mag-asawa ay lulan ng isang itim na Toyota Altis, na may plakang WTY 700 at may Philippine National Police Academy (PNPA) commemorative plate sa harapan nito.
Ayon sa report, binaÂbagtas ng mag-asawa sakay ng kanilang kotse ang Talumpong St. sa Brgy. Malamig, Mandaluyong City nang sabayan sila ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.
Pagtapat umano ng mga suspek sa sasakyan ng mga biktima ay bigla na lamang silang pinagbabaril.
Sinasabing nakasuot ng bonnet ang mga suspek kaya hindi namukaan ng mga testigo na mabilis na tumakas matapos ang krimen.
Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mahigit sa 20 bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa crime scene.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen.
- Latest