Matapos kasuhan si Vhong Navarro: Roxanne Cabañero kinasuhan ng bikini pageant organizer
MANILA, Philippines - Sinampahan ng kaso sa Makati City Regional Trial Court (RTC) ng organizer ng Miss Bikini Philippines pageant ang dating kandidata na nagkaso ng rape sa actor at TV host na si Vhong Navarro.
Si Roxanne CaÂbañero ay kinasuhan ng Slimmers World International dahil sa paulit-ulit na pagbanggit ng una sa pangalan ng organisasÂyon at ng Miss Bikini PhilipÂpines hinggil sa inihaing reklamo at mga panayam kaugnay ng umano’y panggagahasa sa kanya ng aktor na si Navarro.
Humirit din ng danyos perwisyo ang naturang organizer na nagkakahalaga ng isang milyong piso.
Ang kaso ay isinampa kay Judge Max de Leon, ng Branch 143 Makati City.
“There is no misÂtaking that (Cabañero) made mention of Miss Bikini Philippines for no other purpose but to generate publicity, if not sympathy, for her purpoted plight, to the prejudice of the goodwill of the pageant and the organizationâ€, pahayag sa isinampang kaso ng organizer.
Humirit din ng dagÂÂdag na P400,000 ang Slimmers World International para sa corrective damages at P205,000 para sa legal costs nito.
Matatandaang si CaÂbañero ang ikaÂlawang babaeng nagsampa ng kasong rape laban kay Navarro at base sa sinumpaan nitong reklamo, naÂganap ang panghahalay sa kanya ay noong Abril 24, 2010.
Subalit, itinanggi ni Cabañero na nagÂbigay siya ng eksaktong petsa matapos lumabas na nasa concert si Navarro noong Abril 24, 2010.
Naunang sinabi ni Cabañero na nangyari ang rape sa sasakyan ni Navarro matapos siyang sunduin nito sa Astoria Plaza Hotel sa Pasig City kung saan naka-check in umano ang mga kandidata ng naturang pageant.
Ngunit binago ito ni Cabañero, na sinabi nito sa Millenia Suites nangyari ang inÂsidente matapos itanggi ng Astoria at Miss Bikini Philippines na may kandidatang tuÂmuloy noon sa AstoriaÂ.
- Latest