Number coding suspendido sa Semana Santa
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development AuthoÂrity (MMDA) ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding sa mga paÂnguÂnahing lansangan sa Kalakhang Maynila sa Semana Santa.
Ibig sabihin ang mga motoristang mananatili sa Metro Manila ay malayang madadala ang kanilang mga sasakyan sa Huwebes Santo at Biyernes Santo sa mga pangunahing lansangan.
Nabatid na awtomatikong sinususpinde ng MMDA ang pagpapatupad ng UVVRP o number coding sa mga major thoroughfare sa tuwing holiday.
Pinatupad ng MMDA ang number coding sa mga motoristang dumaraan sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila upang makabawas ito sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Ang mga behikulong apektado sa number coding ay magagamit ang window hours na alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon maliban sa Makati, Malabon at Las Piñas City.
- Latest