Call center binulabog ng bomb threat
MANILA, Philippines - Binulabog ng bomb threat ang isang call center sa Gateway Tower sa lungsod Quezon dahilan para matakot at magsipagbabaan ang mga kawani nito kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Supt. Ramon Pranada, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao station, ang banta ng pagsabog ay natanggap sa pamamagitan ng text message sa isang opisyal ng human resources sa tanggapan ng Accenture na nasa Gateway Tower sa Cubao, alas-5 ng madaling-araw.
Nakasaad sa mensahe ang: “This is to inform you na may sasabog sa loob ng Gateway at exactly 8 am today.†Agad naman pinalikas ang mga kawani ng call center. Gayunman, ang bomb threat, ay nai-report lamang sa Cubao police station, ganap na alas- 9 ng umaga.
Dumating naman ang QCPD Explosives and Ordnance Division (EOD) sa lugar at agad na nagsagawa ng bomb clearing operations sa mga palapag ng Gateway Tower na inuukupahan ng Accenture. Pasado alas-10 ng umaga, ipinahayag ng QCPD-EOD na negatibo sa anumang improvised explosive device o kahina-hinalang bagay saka idineklarang panloloko lamang ito
- Latest