Japanese dinale ng rider-snatcher
MANILA, Philippines - Isang 56-anyos na Japanese national ang natangayan ng pera at gamit nang hablutin ang kanyang mamahaling bag ng isang motorÂcycle rider sa Ermita, Maynila, kamaÂkalawa.
Dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang biktimang si Masanori Kawabata, may-asawa, tubong Yamatorya, Japan at pansamantalang nanunuluyan sa Room 621 Dusit Hotel, Makati City matapos siyang mabiktima ng rider-snatcher.
Ayon sa reklamo, isang hindi naplakahang motorsiklo na sakay ang isang lalaking naka-helmet ang dumikit sa naglalakad na biktima at hinablot ang shoulder bag na Louis Vuitton, na nagkakahalaga ng 300,000 Japanese Yen, dakong alas-4 ng hapon noong Sabado, sa Maria Orosa St., malapit sa UN Ave., Ermita, at huÂÂmarurot ng takbo.
Bukod sa halaga ng bag, may laman pang Y300,000 cash ang walletÂ, tablet na nagkakahalaga ng Y80,000 at Tiffany key holder na may halagang Y13,000.
- Latest